1 Nag-iisang Pinoy na nakasagupa sa ring ni Freddie Roach Sun Apr 29, 2012 4:49 pm
coated_pill
Bago naging tanyag na trainer ng mga sikat na boxer gaya ni Manny Pacquiao, naging boksingero rin muna si Freddie Roach. At alam niyo ba na may nag-iisang Pinoy na nakasagupa si Roach sa ibabaw ng ring?
Si Roach ay may professional boxing record na 40 panalo at 13 talo. Labing-lima sa kanyang panalo ay sa pamamagitan ng knockout.
Sa kanyang huling limang laban, isa lamang ang kanyang naipanalo kontra sa nag-iisang Pilipino na kanyang nakasagupa – si Arnel Arrozal, may boxing record na 23 panalo (6 KO), 29 pagkatalo, at tatlong draw.
Naganap ang laban nina Roach at Arrozal sa Lynnwood, Washington sa United States noong August 14, 1986.
Si Arrozal ang pangalawa sa huling laban ni Roach. Natalo si Roach sa kanyang huling laban sa kapwa Amerikano na si David Rivello sa pamamagitan ng majority decision noong October 24, 1986 sa Massachusetts, United States.
Samantala, matapos biguin ni Roach, nagkaroon pa ng limang laban si Arrozal ngunit pawang natalo siya. Ang huli niyang pag-akyat sa ring ay naganap sa Mexico kontra sa Mexicano na si Jorge Paez noong May 22, 1987. - FRJimenez, GMA News