tropangmetopak

pinag-isa kami ng katopakan, pinagbuklod pa ng kalokohan, kami ang tropang metopak, oh yeah... wapak!


You are not connected. Please login or register

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1Pinoy Movies      Empty Pinoy Movies Thu Jun 21, 2012 3:00 am

Calpol

Calpol
member
Top 20 signs that you are watching a Pinoy movie..

1. Sasayaw ang loveteam sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind the puno.

2. Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki, sabay taas ng kilay at ngingisi.

3. Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng “Inaaayyyy!!!” at mangangakong ipaghihigante ito. Moral of the eksena: Ang pansit ay nakakamatay.

4. Kapag may magkaribal na babae, ‘yung mabait derecho ang buhok at may bangs. ‘Yung salbahe, laging kulot.

5. Sa Pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.

6. Sa Pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

7. Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.

8. Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula (sample: Isang Bala Ka Lang or Kapag Puno na Ang Salop).

9. Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, “Mga bata.”

10. ‘Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitiwan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida ang bata at ‘yung bida ang papagitna ng kalsada. Naka-cross ang arms ng bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng, “Kuyaaa!” Next scene: Nasa ospital sila. Simula na ng drama.

11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene: Nagla-love-making na sila.

12. Kapag sinabi ng kontabida sa bida ang masama niyang plano, sasabibin ng bida, “Hayop ka!”

13. Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.

14. Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay na pang-mayaman at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.

15. Ang hideout ng kontrabida ay parating mansyon na may chicks na naka-hilira sa paligid ng pool.

16. Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para puede sila sumandal habang nag-i-slide dahan-dahan pababa, todo iyak at kung minsan with matching uhog.

17. Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”

18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.

19. Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.

20. Kapag ang ending ng movie ay song-and-dance number sa beach o sa resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.

2Pinoy Movies      Empty Re: Pinoy Movies Thu Jun 21, 2012 4:23 am

coated_pill

coated_pill
moderator
Lol.. medyo nag improved na ata ngayon.. lol

http://ultimatesoftwaresource.blogspot.com/

3Pinoy Movies      Empty Re: Pinoy Movies Thu Jun 21, 2012 4:44 am

sasz

sasz
junior
laftrip ang mahiwagang pansit lol!

4Pinoy Movies      Empty Re: Pinoy Movies Thu Jun 21, 2012 6:19 am

Pipoy

Pipoy
Admin
Padagdag:

> Palaging nakasuot ng leather jacket at maong pants ang mga "bata" o goons
> Kapag nagka-engkwentro na sa "climax" ng pelikula ang bida at kontrabida, mag-uusap muna sila ng ilang minuto bago magbarilan
> Halos palaging may kinikidnap (girlfriend, kaibigan o kamag-anak ng bida) at dinadala ito sa isang abandoned warehouse
> Ang magka-love team, usually either mayaman ang isa at mahirap ang isa, o galing sila sa magka-away na mga pamilya
> Ang "conflict" ng pelikula, lalo na kung ito'y action movie, ay either drugs, illegal na mga baril, o pamemeke ng pera
> Palaging nahuhuli ng dating ang mga pulis

5Pinoy Movies      Empty Re: Pinoy Movies Thu Jun 21, 2012 6:57 am

Calpol

Calpol
member
dagdag pa...
>usual title ng mga movies ay either linya or title of a song para wala na problema sa musical score ang producer

6Pinoy Movies      Empty Re: Pinoy Movies Thu Jun 21, 2012 10:05 am

Caloy

Caloy
member
sino may gusto ng pansit? lol!

7Pinoy Movies      Empty Re: Pinoy Movies Thu Jun 21, 2012 10:27 am

Pipoy

Pipoy
Admin
Caloy wrote:sino may gusto ng pansit? lol!
Allergic ako dyan lol!

8Pinoy Movies      Empty Re: Pinoy Movies Fri Jun 22, 2012 6:07 pm

tobey_parker

tobey_parker
member
at isa pa

--> laging ang lider ng kontrabida ang huling natitira...

9Pinoy Movies      Empty Re: Pinoy Movies Sat Jun 23, 2012 5:01 am

coated_pill

coated_pill
moderator
tobey_parker wrote:at isa pa

--> laging ang lider ng kontrabida ang huling natitira...

Same with International Action Films.

http://ultimatesoftwaresource.blogspot.com/

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum