1 'Bullying' tactics ng China tuloy pa rin! Sun Apr 29, 2012 7:47 am
excon
Inakusahan ng Pilipinas ang Beijing ng
"bullying" nitong Sabado matapos
unamo pahagingan ng humaharurot
na barko ng China and dalawang
barko ng Pilipinas doon sa
pinagtataluhang Panatag Shoal sa
West Philippine Sea.
"Walang nasaktan sa insidente. But,
these maneuvers by the Chinese
vessel posed a danger to the
Philippine vessels, " pahayag ni
Dapartment of Foreign Affairs
spokesman Raul Hernandez.
"Our ships did not react to the
bullying," dagdag pa niya.
Sa insidente nitong Sabado,
pinahagingan ng Chinese vessel ang
dalawang Philippine coast guard ship
sa bilis ng mahigit 20 knots (37
kilometers per hour), na nagresulta sa
malakas na pag-alon na tumama sa
mga barko ng Pilipinas.
Nagsimula ang girian ng China at
Pilipinas noong ika-8 ng Abril, kung
kailan namataan ng Philippine Navy ng
walong Chinese fishing boats na
umano'y nanghuli at kumuha ng
endangered marine species sa
Panatag Shoal na pag-aari ng Filipinas.
Nabigo ang mga awtoridad na hulihin
ang mga dayuhang mangingisda
matapos harangan ng dalawang
Chinese vessels ang Philippine Navy
boat.
Binalaan na ng China ang Pilipinas na
huwag nang dalhin sa international
community ang alitan sa shoal, na 230
kilometro lamang ang layo (140 miles)
mula sa Zambales.
Ito'y napapaloob sa 200-nautical-mile
exclusive economic zone (EEZ) ng
Pilipinas.
Samantala, inihayag ni Energy
undersecretary Jose Layug na
ipagpapatuloy pa rin ng Pilipinas ang
oil at gas exploration sa shoal sa
kabila ng pagiging agresibo ng China.
"The Chinese are claiming (these
areas) but we have said repeatedly
that (they are) well within the
territorial jurisdiction of the
Philippines," kanyang inihayag sa
isang panayam. — Amanda
Fernandez /LBG, GMA News
"bullying" nitong Sabado matapos
unamo pahagingan ng humaharurot
na barko ng China and dalawang
barko ng Pilipinas doon sa
pinagtataluhang Panatag Shoal sa
West Philippine Sea.
"Walang nasaktan sa insidente. But,
these maneuvers by the Chinese
vessel posed a danger to the
Philippine vessels, " pahayag ni
Dapartment of Foreign Affairs
spokesman Raul Hernandez.
"Our ships did not react to the
bullying," dagdag pa niya.
Sa insidente nitong Sabado,
pinahagingan ng Chinese vessel ang
dalawang Philippine coast guard ship
sa bilis ng mahigit 20 knots (37
kilometers per hour), na nagresulta sa
malakas na pag-alon na tumama sa
mga barko ng Pilipinas.
Nagsimula ang girian ng China at
Pilipinas noong ika-8 ng Abril, kung
kailan namataan ng Philippine Navy ng
walong Chinese fishing boats na
umano'y nanghuli at kumuha ng
endangered marine species sa
Panatag Shoal na pag-aari ng Filipinas.
Nabigo ang mga awtoridad na hulihin
ang mga dayuhang mangingisda
matapos harangan ng dalawang
Chinese vessels ang Philippine Navy
boat.
Binalaan na ng China ang Pilipinas na
huwag nang dalhin sa international
community ang alitan sa shoal, na 230
kilometro lamang ang layo (140 miles)
mula sa Zambales.
Ito'y napapaloob sa 200-nautical-mile
exclusive economic zone (EEZ) ng
Pilipinas.
Samantala, inihayag ni Energy
undersecretary Jose Layug na
ipagpapatuloy pa rin ng Pilipinas ang
oil at gas exploration sa shoal sa
kabila ng pagiging agresibo ng China.
"The Chinese are claiming (these
areas) but we have said repeatedly
that (they are) well within the
territorial jurisdiction of the
Philippines," kanyang inihayag sa
isang panayam. — Amanda
Fernandez /LBG, GMA News